Ano ang slippage at paano ito nakakaapekto sa aking mga trade?
Ang slippage ay nangyayari kapag may pagkakaiba sa pagitan ng expected price ng trade at ang aktwal na presyo kung saan ang trade ay ine-excute. Ito ay maaaring mangyari sa mga panahon ng high volatility kapag ang market condition ay mabilis na nagbabago, o kapag may low liquidity sa market.
Halimbawa, kung naglagay ka ng buy order sa isang partikular na presyo ngunit guamlaw ang market bago mapunan ang iyong order, maaari kang bumili sa mas mataas na presyo kaysa sa inaasahan. Sa kabaligtaran, kapag nagbebenta, maaari kang makatanggap ng mas mababang presyo kaysa sa inaasahan.
Ang slippage ay maaaring ikategorya bilang positibo o negatibo. Ang positibong slippage ay nangyayari kapag nakakuha ka ng mas magandang presyo kaysa sa inaasahan, habang ang negatibong slippage ay nagreresulta sa mas masamang presyo. Ang pag-unawa sa slippage ay mahalaga para sa epektibong trading, dahil maaari itong makaapekto sa iyong trading performance at strategy.